Ipapakita ngayon ang mga achievement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng 50-araw ng kanyang panunungkulan.
Isang documentary na binuo ng Presidential Communications Office (PCO) ang ilulunsad sa Ateneo de Davao University.
Ito ay may titulong #50FirstDays.
“We hope President Duterte’s #50FirstDays will inspire every Filipino to become a partner for change as we embark on this journey for a better Philippines,” ayon kay PCO Secretary Martin Andanar.
Ipapakita nito ang kampanya ng pamahalaan laban sa droga, pagtatag sa one-stop shop para sa overseas Filipino workers, at executive order na nagpapatupad sa Freedom of Information (FOI). (Genalyn Kabiling)