MgaLaro sa Huwebes

(San Juan Arena)

10 n.u. -- San Sebastian vs Arellano

12 n.t. -- JRU vs San Beda

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

2 n.h. -- Mapua vs EAC

4 n.h. -- Letran vs Lyceum

Nanatili sa pedestal ang Arellano University matapos gapiin ang Emilio Aguinaldo College, 90-64, kahapon sa pagsisimula ng second round ng NCAA Season 92 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Gaya ng dati, muling namuno para sa Braves, umangat sa barahang 9-1, si Guilmer de La Torre, nagposte ng 19 puntos, apat na assist at isang rebound, habang nag-ambag si Adrian Fermin ng 17 puntos at 11 rebound.

Nasayang naman ang all-around performance ni Cee-jay Boado na kinabibilangan ng 18 puntos, 12 rebound, apat na assist at tatlong steal sa kabiguan ng Brigadiers.

Nauna rito,tinalo ng Mapua para patatagin ang kapit sa ika- apat ang Jose Rizal University, 81-79.

Umiskor ng 20 puntos si Romuel Junsay para giyahan ang Red Robins sa pagangkin ng kanilang ika-8 panalo sa 10 laro.

Samantala, nasayang naman ang game-high 23 puntos ni Benedict Buno dahil nalaglag ang Light Bombers sa 2-8 karta.

(Marivic Awitan)