VICTORIA, Tarlac – Binasag ng mga hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay gang ang bintanang salamin ng simbahan ng Victoria Jesus Cares Assembly of God sa Barangay San Fernando, Victoria, Tarlac, upang mapagnakawan ito nitong Sabado.

Ayon sa report ni PO3 Sonny Villacentino, natangay ng mga kawatan ang Fender Head amplifier na nagkakahalaga ng P27,000, isang Acer projector (P16,000), isang Dell laptop computer (P27,000), isang bass guitar (P10,000), isa pang Head amplifier (P15,000), at isang wireless receiver (P5,000). (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog