Nasa 71 residente na ang nagsilikas sa Quezon City sanhi ng malakas na pag-ulan bunga ng hanging habagat na hatak ng Low Pressure Area na namataan sa Pacific Ocean, at palabas na ng Philippine Area of Responsiility (PAR).

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang pagbaha sa Metro Manila partikular sa Quezon City ay dulot ng malakas na pag -ulan dahil sa hanging habagat.

Kaugnay nito, iniulat ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Council (QCDRRC) na umabot sa 41 residente na nakatira sa gilid ng Ilog ang lumikas dakong 7:30 ng umaga sa barangay hall ng Damayang Lagi ng Lungsod Quezon.

Habang nasa 30 residente naman sa Barangay Tatalon ang lumikas din sa covered court dahil sa pagtaas ng baha sa lugar.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dahil sa patuloy na pag-ulan, itinaas ng PAGASA ang weather alert na Orange Warning Level sa Zambales, Pampanga, at Bulacan. Yellow Warning Level naman sa Rizal, Nueva Ecija, Bataan, at Tarlac. - Jun Fabon