NAGSIMULA na ang labu-labong botohan ng fans sa kani-kanilang hinahangaang social media celebrities na gagawaran ng parangal sa Push Awards, ang pinakamalaking digital media awards sa bansa.
Ito ang pangalawang taong paghirang sa mga personalidad na pinaka-influencial sa online world.
Para sa mga baguhang boboto na gustong makita ang kumpletong listahan ng mga nominado, mag-log in lamang sa PushAwards.com at mag-register gamit ang Facebook account. Makaboboto ng isang beses lamang kada araw sa bawat category.
Ang celebrities na may pinakamalakas na impluwensya sa Facebook ay nominado bilang PUSH Like Female Celebrity, PUSH Like Male Celebrity, PUSH Like Group/Tandem, PUSH Like Newcomer, at PUSH Like Music Artist.
Bibigyang parangal din ang mga sikat na personalidad na may pinakamaraming bilang ng retweets, mentions, favorites, followers, at mentions sa Twitter bilang PUSH Tweet Female Celebrity, PUSH Tweet Male Celebrity, PUSH Tweet Group/Tandem, PUSH Tweet Newcomer, at PUSH Tweet Music Artist ng taon.
Pasok naman ang mga sikat na Instagram users na may pinakamaraming bilang ng followers na hindi kinalilimutan ang kanilang fans sa kanilang posts sa PUSH Gram Female Celebrity, PUSH Gram Male Celebrity, PUSH Gram Group/Tandem, PUSH Gram Newcomer, at PUSH Gram Music Artist categories.
Kasama rin sa kumpetisyon ang YouTube stars na may pinakamaraming hits sa kanilang videos na kikilalanin naman bilang PUSH Play Female Celebrity, PUSH Play Male Celebrity, PUSH Play Group/Tandem, PUSH Play Newcomer, at PUSH Play Music Artist ng taon.
Matapos ang online voting, isang grupo ng mga hurado ang kikilatis at pipili kung sino sa mga nanalong personalidad mula sa botohan ang karapat-dapat na gawaran ng Push Elite Awards at maging Push Female Celebrity of the Year, Push Male Celebrity of the Year, Push Group/Tandem of the Year, Push Newcomer of the Year, at Push Music Artist of the Year.
Muling nangunguna sa listahan ng mga nominado ang sikat na love teams na KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) at LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) na parehong nominado sa apat na categories – PUSH Like Group/Tandem (Facebook), PUSH Tweet Group/Tandem (Twitter), PUSH Gram Group/Tandem (Instagram), at PUSH Play Group/Tandem (YouTube).
Hindi naman nagpapaawat ang fans ni Yeng Constantino na kasalukuyang nangunguna sa nominasyon sa individual categories na PUSH Like, PUSH Tweet, PUSH Gram, PUSH Play Music Artist, at PUSH Play Female.
Nakikipagtunggali naman si Anne Curtis sa apat na PUSH Female categories, samantalang sina James Reid at Vice Ganda ay nominado sa tatlong PUSH Male categories. Nominado rin si Darren Espanto sa isang PUSH Male at PUSH Music Artist categories.
Nangunguna rin sa botohan ang Hashtag member at PBB 737 housemate na si Zeus Collins na nominado sa apat na PUSH Newcomer categories.
Bukod sa pagbibigay parangal sa mga pinakaimpluwensyal na personalidad sa major Digital Media categories, kaabang-abang din ang iba pang pagkilala sa mga sumusunod na Awesome Awards categories: Popular Celebrity Baby, Popular Celebrity Mommy, Popular Celebrity Daddy, Popular Male Fashion Icon, Popular Female Fashion Icon, Popular Song Cover, Popular Dance Cover, Popular Movie Performance, Popular Sports Personality, Popular LOL Video, Popular TV Performance, at Popular Showbiz Blogger.
At bilang pasasalamat sa matinding pagsuporta ng fans sa kanilang mga iniidolong celebrities, ibinabalik ng PUSH Awards ang PUSH Ultimate Fan Award na igagawad naman sa fans club na magpo-post ng pinakamaraming tweets gamit ang hashtag na #PushAwrds.
Itatanghal na panalo ang mga nominadong may pinakamaraming boto sa bawat categories at bibigyan ng espesyal na trophy sa isang malaking event na gaganapin sa Oktubre.
Iboto ang inyong mga iniidolong personalidad sa PUSHAwards.com at mag-log in sa PUSH.com.ph upang laging maging updated sa entertainment news, information, at trivia.