Bubuksan ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa susunod na linggo ang imbestigasyon sa extra-judicial killings (EJK) kaugnay sa all out war sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Itinakda ni Committee chairman Senator Leila de Lima sa Agosto 22 at 23 ang pagdinig at umaasa na makikipagtulungan dito ang Philippine National Police (PNP).
Sa isinagawang Technical Working Group (TWG) kahapon, sinabi ni de Lima na igagalang at hindi mapapahiya ang mga dadalo sa pagdinig.
Kabilang sa mga inasahang dumalo sa pagdinig ang mga kinatawan ng PNP, non-government organizations (NGO), human rights group at mga kaanak ng mga biktima.
Ayon kay de Lima, iikot ang pagdinig sa kung ano ang ginagawa ng PNP sa sunud-sunod na patayan na sinasabing kagagawan ng mga vigilante group na kontra sa droga. (Leonel M. Abasola)