Nasakote ng Bureau of Immigration (BI) ang isa umanong takas na Koreana na wanted sa kanyang pinanggalingang bansa.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang pugante na si Eom Jae Hwa, 54, wanted sa swindling, na inaresto ng mga operatiba ng BI fugitive unit sa Clark Field, Pampanga, at nakatakdang i-deport pabalik sa South Korea.

Ayon kay Morente, naaresto si Hwa sa bisa ng deportation warrant na inihain ng BI Board of Commissioners.

Aniya, ang warrant ay inilabas alinsunod sa isang summary deportation order na inisyu laban sa Koreana dahil sa pagiging “undesirable, overstaying, and undocumented alien”.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“This should serve as a warning to other wanted foreign criminals to stop using the Philippines as a sanctuary or refuge. The long arm of the law will catch you and the Bureau of Immigration is leading the charge,” pahayag ni Morente. (Mina Navarro)