Ni Angie Oredo
Bilang pagtugon sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa droga, magsasagawa ang Philippine Sports Commission (PSC) ng mga programa sa komunidad para mailigtas ang kabataan sa ipinagbabawal na gamot.
Bilang panimula, binalangkas ni PSC chairman William “Butch” Ramirez ang sports program na akma sa isinusulong na projekto ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada para sa mga kabaatan sa Tondo.
“We had a wonderful meeting with former President Joseph “Erap” Estrada Tuesday and he wants us to plan a sports project for the youth of Tondo,” pahayag ni Ramirez. “He (Estrada) is really bent and very serious on promoting sports to the youth para maiiwas ang mga bata sa droga,” aniya.
Iminungkahi mismo ng dating Pangulo ang pagsasagawa ng malawakang programa na kikilalanin na “Sports Anti-Drug program sa mga Batang Tondo.”
“It will be a part on the anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Sports is for human development of everybody and one of the effective way of shying away the youth from the menace of drugs and other vices,” aniya.
Iginiit ni Ramirez na palalakasin ng ahensiya ang ugnayan sa lahat ng Local Government Unit (LGU) upang mas mapatatag at mapalawak ang programa sa grassroots sports development.