RIO DE JANEIRO (AP) – Sa ikatlong pagkakataon, target ng Spaniard, sa pangunguna ni Paul Gasol na matuldukan ang paghahari ng all-NBA US team sa men’s basketball.
Sa nakalipas na dalawang Olympics, kabiguan sa championship ang natikman ng Spain.
Ngunit, sa pagkakataong ito, handa si Gasol na maiuwi ang gintong medalya, higit at ang Rio Games ang kanyang huling paglalaro sa Olympics.
Subalit, hindi lamang ang Spain ang maituturing na matinding karibal ng US. May kabuuangh 34 NBA player ang naglalaro sa kani-kanilang bansa para subukan ang grupo ng US Team ngayon sa Rio.
Bukod sa Team USA, ang Spain ang may pinakamaraming aktibong player na naglalaro sa NBA, habang ang Australia, France at Brazil ay may tig-limang player na prominente sa NBA.
May apat na NBA player ang Argentina, habang ang China at Venezuela ang tanging koponan na walang ayuda ng NBA player.
“Michael Jordan, Larry Bird, Magic Johnson, David Robinson -- all those guys had so much fun and that’s what you envision when you see the Olympics,” pahayag ni US Olympian Kyle Lowry.
“A lot of people say, ‘The reason I started playing basketball was because of the Dream Team’. So I hope that in 20 years some teams will have seen us play in 2016 and that made them play basketball.”
Sasabak si dating NBA player Juan Carlos Navarro sa ikalimang Olympic para sa Spain, habang sina dating NBA Rudy Fernandez at kasalukuyang Laker Jose Calderon at si Gasol ay nasa ikaapat na paglalaro sa Quadrennial Games.
Ang iba pang Spanish NBA talent ay sina Oklahoma City’s Alex Abrines, New York’s Guillermo Hernangomez, Chicago’s Nikola Mirotic, Minnesota’s Ricky Rubio at Philadelphia’s Sergio Rodriguez.
Sa lahat ng challenger, ang Spain ang may pinakamarubdod na hangarin matapos maging runner-up sa US Team nang magapi sila sa Beijing Games, 118-107, at sa 2012 London, 107-100.
“It would mean the world,” sambit ni Gasol, two-time NBA champion sa Los Angeles Lakers.