Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang paghahain ng kaso laban sa isang municipal treasurer dahil sa pamemeke ng dokumento habang dalawang opisyal ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang sinuspinde sa kasong administratibo.

Nahaharap sa kasong Falsification of Public Documents si Cabiao, Nueva Ecija municipal treasurer Josephine Caingat nang palabasin nito na nakatanggap ng P200,000 tseke ang isang nagngangalang Melanie Mina at siya ang binigyan ng awtorisasyon na papalitan ito sa bangko.

Nabunyag sa imbestigasyon ng Ombudman na peke ang pirma at ID ni Mina at tanging si Caingat ang nakinabang sa pera.

Sinuspinde naman sina Cotabato Regional Director Zeus Ampuyas at Provincial Director Florante Leona Herrera ng TESDA dahil sa kasong Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sinabi ng Ombudsman na iginawad nina Ampuyas at Herrera ang training service contract para sa heavy equipment operation sa Kidapawan Assessment and Training Center (KATC) noong 2009 kahit na suspendido na ang akreditasyon nito. (Rommel Tabbad)