DIPACULAO, Aurora - Inilunsad ng pulisya at ng pamahalaang bayan ng Dipaculao ang isang reform program para sa 215 sumuko sa paggamit at pagbebenta ng droga.

Ito ang inihayag ni Dipaculao Police Chief Senior Insp. Ferdinand Usita, sinabing sa ilalim ng programa ay may Bible study, counseling at regular na medical check-up, bukod pa sa araw-araw na pag-eehersisyo.

Plano ring magtayo ng livelihood training institute para sa mga sumuko, ayon kay Usita. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito