UMAAPELA ang mga human-rights activist na ikondena ng United Nations ang pagpaslang ng mga pulis at grupong vigilante sa daan-daang pinaghihinalaang nagbebenta at gumagamit ng ilegal na droga sa Pilipinas.
“We are calling on the United Nations drug control bodies to publicly condemn these atrocities in the Philippines.
This senseless killing cannot be justified as a drug control measure,” sinabi ng executive director ng International Drug Policy Consortium na si Ann Fordham, iniulat ng Guardian.
“Their silence is unacceptable, while people are being killed on the streets day after day,” ani Fordham.
Mahigit 300 civil society group ang lumagda sa pinag-isang liham para sa International Narcotics Control Board at sa tanggapan ng United Nations Office on Drugs and Crime, kabilang ang Human Rights Watch, Stop AIDS, at International HIV/AIDS Alliance.
Simula nang mahalal si Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo, daan-daang pinaghihinalaang nagbebenta at gumagamit ng ilegal na droga ang napatay.
Ang eksaktong bilang ay pabago-bago, na ang ibang ulat ay nagsasabi na lumagpas na sa 700, habang ang iba ay nasa halos 500.
Ayon sa New York Times, sinabi ng pulisya na inaresto na nila ang 2,700 katao na konektado sa mga aktibidad ng ilegal na droga.
Ngunit ang mga pagpatay ay nagbunsod ng pagkabahala na mistulang binabalewala na umano ni Pangulong Duterte ang tamang proseso at karapatang pantao sa halos araw-araw na insidente ng pagpatay ng mga hindi kilalang grupong vigilante o kaya naman ay napapaslang sa mga operasyon ng pulisya dahil sa umano’y pagtatangkang manlaban, at kaya naman nanawagan na ng imbestigasyon si Senator Leila de Lima.
“International drug control agencies need to make clear to Philippines’ President Rodrigo Duterte that the surge in killings of suspected drug dealers and users is not acceptable ‘crime control’,” sabi ni Phelim Kine, na deputy Asia director ng Human Rights Watch, “but instead a government failure to protect people’s most fundamental human rights.”
(Time)