LONDON (AP) — Pinatawan ng “provisionally suspension” si world heavyweight boxing champion Tyson Fury bunsod ng pagpositibo sa droga, ayon sa Britain’s anti-doping body.

Ayon sa UKAD, maibaba ang suspensyon kay Fury at sa pinsan niyang si Hughie, isang ring heavyweight boxer na nauna nang nasabit sa droga, kung malilinawan ang dahilan ng kanilang paggamit ng naturang droga.

Isinakdal si Fury nitong Hunyo 24 matapos makitaan ng presensiya ng bawal na gamot ang kanyang samples.

Batay sa UK anti-doping rules, may karapatan ang atleta na labanan ang ipinataw na ‘provisional suspension’ matapos ang gagawing hearing.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tangan ni Fury ang WBO at WBA heavyweight belts matapos gapiin si Vladimir Klitschko noong Nobyembre. Nakatakda ang rematch sa Hulyo 9, sa Manchester.

“The two boxers strenuously deny taking any performance-enhancing drugs,” pahayag ni Lewis Power.

“However, during the last five weeks, leaks about these charges have appeared in the press and both boxers have been the targets of continual abusive language on Twitter.”