Tinapos ni Diana Taurasi at ng U. S. women’s national basketball team ang pre-Olympic tour sa isang dominanteng opensa laban sa Australia.

Nakagawa si Taurasi ng 20 puntos, kabilang ang 15 sa loob ng limang minuto sa third quarter, upang sandigan ang Americans sa 104-89 panalo nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Madison Square Garden, NewYork.

“It kind of just happened,” sambit ni Taurasi.

“On this team you can’t force the issue that much we have so many talented players. It metamorphosed into something without even trying. Today it happened to me. Next month we’ll take turns filling that role. Today it was just me.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagdagdag ng 19 puntos si Elena Delle Donne sa final tune up ng mga team bago tumungo sa Rio Olympics na magsisimula na sa susunod na linggo.

Nanalo ang Americans sa lahat ng kanilang laro sa exhibition tour, nagsimula ito sa four-point victory laban sa U. S. select team. Natalo rin nila ang Canada at France.

Dadaan muna ang team sa Houston upang makasama ang men’s team bago lumipad patungong Rio sa Martes.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglaro ng pre-Olympic tour ang U.S. sa kanilang sariling bansa.

“It’s been awesome,” ayon kay Taurasi. “To be on this team for this long and it most likely be my last go. The last three games in front of Delaware fans, Connecticut and then the Garden where there’s a different feel, different electricity. ... It’s given us a lot of confidence going into Rio.”

Parehong top teams ang grupo ng America at Australia at sila ang inaasahan na magtutuos para sa gold medal sa Rio Olympics. Nag-uwi ang US ng limang gintong medalya at ang Australia naman ay silver o bronze mula pa noong 1996.

“Even though we lost we got a lot of confidence out of this game,” pahayag ni Australia coach Brendan Joyce. “We have a bit of a rougher road to a potential rematch with them for a gold medal in Rio.” (Isinalin ni Helen Wong)