GABBI GLAIZA KYLIE AT SANYA copy

MASAYANG bumalik sa Manila ang ilang cast ng Encantadia mula sa mall show nila sa GenSan last Saturday dahil successful na naman ang pagrampa sa mall nina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Kylie Padilla kasama sina Ruru Madrid at Rocco Nacino.

Ang cute ng fans ng GenSan dahil pinabaunan nila ng regalo ang mga Sang’gre, ginawan sila ng personalized keychain with the initial of their names at pati kulay ng gifts, ibinagay sa kulay ng mga hawak nilang brilyante.

Kaya lang, paano kaya mapagbibigyan ng GMA-7 ang maraming request ng Encantadiks na sa kanilang lugar naman bumisita at mag-mall show ang mga Sang’gre? Ang haba ng listahan ng mga nagre-request at meron pa sa abroad.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, ang ganda ng sinabi ni Glaiza tungkol sa Encantadia. 

“Beyond the visual effects, fight scenes and costumes, I’m grateful to be part of a story that tackles women empowerment. In a world where there’s too much competition, we should all learn to support and respect each other.

Kanya-kanya man tayo ng pananaw at pangarap sa buhay, hindi ‘yun dahilan para kamuhian natin ang isa’t isa.

”Sa tingin ko lahat ng mga kababaihan ay Sang’gre. Lahat may kanya-kanyang ‘pinaglalaban, masama man o mabuti ngunit sa huli, tayu-tayo lamang ang magkakampi.” (Nitz Miralles)