untitled copy

MUKHANG hindi pa handang magbalik telebisyon si Kris Aquino na nasa vacation mode pa rin.

Sa kasalukuyan, nag-i-enjoy si Kris sa Boracay Island kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby at ilang staff.

Earlier this week, nag-post ni Kris sa Instagram ng, “About to start enjoying our one week beach vacation.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pagdating sa Boracay, ang kanyang post naman, “At sunset boating -- obviously this mom loves neon. I hope sharing our vacation moments w/ all of you will encourage you to #ChoosePhilippines.”

Samantala, bago nagbakasyon ang mag-iina ay nag-shoot muna ang Queen of All Media ng bago niyang endorsement at panay ang kanyang pasasalamat.

Walang masyadong ibinibigay na detalye si Kris sa mga nangyayari sa buhay niya kaya clueless ang followers niyang tulad namin kung ano na ang update sa meeting niya with the ABS-CBN management.

Maging sa ipinost niyang lunch-meeting niya kasama ang big boss ng APT Entertainment na si Mr. Tony Tuviera kasama ang anak na si Direk Michael Tuviera, ang caption lang ni Kris, “How was your Friday? Mine was productive -- lunch meeting w/ the Ayala Malls boss Rowena Tomeldan & Mark Sablan for our Potato Corner+Nacho Bimby expansion together w/ Potato Corner president Joe Magsaysay (by year’s end we’ll own & operate 8 branches), then I had an exciting merienda meeting w/ Direk Mike Tuviera & Mr T himself, Tony Tuviera (sa sobrang daming napagusapan umabot kami sa dinner), and I came home to sign partnership papers for @kamisetaph’s Kris Aquino collection just in time for Christmas 2016.”

Tinanong kami ng ilang katoto kung may ideya kami kung ano ang dahilan ng meeting ni Kris kina Mr. T at Direk Mike.

At kung gagawa raw ba ng pelikula ang Queen of All Media sa APT Entertainment.

Sa totoo lang, wala kaming naisagot dahil unang-una ay hindi namin nakakausap na ang Queen of All Media dahil hindi na nga siya nagbibigay ng detalye sa mga nangyayari sa buhay niya.

May nabalitaan nga kaming inoperan siya ng ABS-CBN ng isang franchise show, pero hindi alam kung tinanggap ito ni Kris.

Ikaw, Bossing DMB, baka may update ka kay Kris?

(Nasa hibernation mode sa showbiz si Kris, Gee. Matagal na niyang dream na magkaroon ng food business -- food empire ang narinig kong term niya noon -- at ito ang binibigyan niya ng panahon ngayon. --DMB) (REGGEE BONOAN)