SA loob ng isang buwan, si 2013 Miss Universe 3rd Runner-Up Ariella Arida ang aariba kasama ang Day Off.

Para sa unang episode niya, magbabalik si Ariella sa kanyang hometown na Alaminos, Laguna, para sorpresahin ang tatlong kababayan niya na naging bahagi ng kanyang kabataan.

Una ang padyak driver na si Randy na ligtas siyang inihahatid sa kanilang bahay. Dadalawin din ni Ariella ang kanyang Grade 5 adviser na si Ma’am Belen. Malaki kasi ang paghanga ni Ariella sa mga guro na tulad ng kanyang mga magulang.

Hindi rin nakakalimutan ng beauty queen ang tindera na si Na Babes na pinupuntahan niya pagkatapos ng klase para bilhan ng paborito niyang merienda.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tutok na sa Day Off tuwing Sabado, 6:15 PM sa GMA News TV.