PIOLO PASCUAL (3) (1) copy

Isang bonggang Star Magic Day ang magaganap ngayong Linggo, July 31 sa ASAP bilang selebrasyon ng 24th anniversary ng Star Magic.

Pangungunahan nina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, Maja Salvador, Jericho Rosales at marami pang iba ang pinakamalaking reunion ng Star Magic stars.

Bukod sa mga pasabog na dance at song numbers, rarampa sa stage ang mga paborito ninyong celebrities sa taunang parade of stars.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bahagi rin ng 24th anniversary ng Star Magic ang opisyal na launch ng Tunog Star Magic, isang online channel na magsasama-sama sa jamming sessions ang Star Magic singers.

Mga bagong covers, collaborations at creative renditions na ang mapapanood sa www.Youtube.com/starmagicphils every week.

Ang ilan sa magiging bahagi ng Tunog Star Magic ay sina Klarisse de Guzman, Bugoy Drilon, Leizel Garcia, Jovit Baldovino, kasama ang mga kasing talentadong sina Khalil Ramos, Nash Aguas, Mica Javier, Marion Aunor, Alex Diaz, Emman Vera, Maris Racal, Loisa Andalio, Kira Balinger, Grae Fernandez, Bailey May, at Ylona Garcia.

Bukod sa mga baguhang sina Kira Balinger, Ysabel Ortega at Heaven Peralejo, kabilang din ang YouTube sensations tulad nina CJ Navato, Renee Pionso, Alexa Ilacad, at Kristel Fulgar sa Tunog Star Magic.

May mga bago ring Kapamilya ang Star Magic family na ipinakikilala sa Newbies segment bilang bahagi rin ng Star Magic Philippines online feature.

I-like ang official Star Magic Facebook page sa www.facebook.com/starmagicphils at i-follow ang @starmagicphilssa Twitter at Instagram para sa live updates ng #StarMagic24. (JIMI ESCALA)