Nanindigan si Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez na hindi makikialam ang Mababang Kapulungan sa isyu ng extrajudicial killings sa bansa, kung saan hindi umano nito susundan ang pag-iimbestiga ng Senado.

“Congress has no prosecutorial powers. We only have recommendatory power. We will recommend the filing of appropriate charges to the DoJ (Department of Justice) and the DoJ will conduct its preliminary investigation. The investigation is better left to the DoJ,” ayon kay Alvarez.

Magugunitang nakatakdang imbestigahan ng Senate Committee on Justice and Human Rights, na pinamumunuan ni Senator Leila de Lima, ang walang humpay na pagpaslang sa mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga.

Binigyang diin ni Alvarez na pagsasayang lamang ng panahon ang pag-iimbestiga sa umano’y summary killings ng mga hinihinalang adik at tulak.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Congress has a lot of better things to do like passing priority bills to benefit the country,” katwiran ni Alvarez.

Kabilang sa priority measures na nakatakdang pagtibayin sa Kamara ang panukalang amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constitutional Convention para bigyang daan ang federalism, death penalty, at pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para solusyunan ang problema sa trapiko. (Charissa M. Luci)