HONOLULU (AP) – Umakyat na sa 93 ang kaso ng hepatitis A outbreak sa Hawaii, kabilang ang isang manggagawa sa sushi restaurant na pinangangambahan ngayong nahawaan din ang mga kumakain, sinabi ng Department of Health noong Martes.

Walang pang natutukoy na pinagmulan ng outbreak sa isla ng Oahu.

Gayunman, nagbabala ang health department sa mga tao na kumain sa Sushi Shiono sa Waikoloa Beach Resort sa mga petsang nagtrabaho ang empleyado ngayong buwan na maaaring sila ay nahawa na.

Karaniwang kumakalat ang Hepatitis A kapag nakakain ang tao ng dumi dahil sa hindi paghugas ng kamay ng taong naghanda ng pagkain. Maaari rin itong kumalat sa pamamagitan ng close personal contact. Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, labis na pagkapagod, kawalan ng gana sa pagkain, pananakit ng tiyan, at pagtatae.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'