Hinimok ng mga mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Matapos ideklara ng Supreme Court (SC) na hindi labag sa Saligang Batas ang EDCA, sinabi nina House Deputy Speaker Rep. Raneo Abu at Quezon City Rep. Feliciano “Sonny” Belmonte Jr., na makakahingi na ng tulong ang Pilipinas sa Washington para sa nasabing modernisasyon.

“EDCA should help us modernize our military hardware. The government should secure full support from the US government to uplift the capability not only of our AFP personnel, but also its armaments,” ani Abu.

“The US should also show generosity by providing us surveillance and fighter aircrafts, tanks, war ships, patrol boats and training,” dagdag pa nito.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kinatigan naman ito ni Belmonte at sinabing makakatulong ang EDCA sa pagpapatatag ng maritime defense.

Kamakalawa, sa botong 9-4, idineklara ng SC na constitutional ang EDCA na nilagdaan noong Abril 2014 ng Manila at Washington. (Charissa M. Luci)