FOLLOW-UP ito sa sinulat namin na nagpaalam si Vico Sotto sa amang si Vic Sotto na manliligaw siya kay Maine Mendoza at pinayagan naman daw.
Tinanong ng AlDub fans si Vico kung totoo ang nasulat namin at itinanggi raw ito ng binata ni Bossing Vic.
Naunawaan namin ito at hindi na kami makikipagtalo pa dahil sinulat naman namin na tiyak na magagalit ang supporters ng AlDub kapag may ibang lalaking na-link kay Maine.
At tama ba ang nakarating sa aming balita na hindi na rin tuloy ang Pinoy version ng koreanovelang My Love From The Star na pagsasamahan sana nina Alden Richards at Jennylyn Mercado dahil nagbago raw ang plano ng GMA-7.
Dagdag pang tsika ng source sa amin, “Kumita ang Imagine You and Me at hindi maganda kung ang next project ni Alden ay hindi si Maine, kaya dapat may follow-up silang dalawa, kaya instead of Jennylyn, it would be Maine sa teleserye, kasi the next movie will be next year na.”
As of now ay wala pa kaming update kung sino na ang magiging leading man ni Jennylyn para sa teleseryeng planong ibigay sa kanya ng GMA.