SAO PAULO (WSJ) – Sinabi ng Brazilian authorities noong Linggo na inaresto nila ang pang-12 suspek na sinasabing miyembro ng grupo na nagbabalak na magsagawa ng terrorist attack sa pagdaraos ng Olympic Games sa Rio de Janeiro sa susunod na buwan.
Sa isang maikling pahayag, sinabi ng Federal Police noong Linggo ng gabi na inaresto nila si Leonid el Kadre de Melo, 32, mekaniko, sa lungsod ng Comodoro, sa central-western state ng Mato Grosso. Kukuwestyunin ito at pagkatapos ay ililipat sa Federal prison.
Simula noong nakaraang linggo, 11 suspek na ang inaresto, lahat ay Brazilian na nasa edad 20 hanggang 50, na ayon sa mga awtoridad ay mga kasapi ng grupong tinatawag na “Defenders of Shariah.”