GUIMBA, Nueva Ecija – Hindi na marahil nakayanan o posibleng nagsawa na sa pagtatago sa awtoridad ang isang 59-anyos na magsasaka na boluntaryong sumuko sa pulisya matapos ang 14 na taong paglilipat-lipat ng pagtataguan upang makaiwas sa pag-aresto.

Kinilala ng Guimba Police ang sumuko na si Celestino Rebulledo y Gamboa, ng Purok 7, Barangay Bacayao, na may kasong attempted homicide.

Ayon kay Supt. Ricardo Villanueva, hepe ng Provincial Public Safety Company (PPSC), Hulyo 16, 2002 pa nagsimulang magtago sa batas si Rebulledo. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?