Nagpaabot kahapon ang Pilipinas ng pakikiramay at dasal sa gobyerno ng Germany at sa mga kaanak ng biktima ng pamamaril sa Munich.

“The Philippines offers its sincerest condolences and prayers to a grieving nation and to the family and friends of the victims of the shooting in Munich,” ayon sa kalatas ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Patuloy ngayon ang pakikipagkoordinasyon ng Embahada ng Pilipinas sa Berlin sa German authorities upang puspusang i-monitor ang sitwasyon doon.

Naglabas ng abiso ang Embahada sa mga Pilipino sa Germany na sundin ang paalala ng awtoridad na manatili muna sa loob ng kanilang mga bahay, maging mahinahon at mapagmatyag.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa ulat ng Munich authories, umabot sa 10 katao ang nasawi at 16 ang nasugatan sa nangyaring pamamaril ng 18-anyos na German-Iranian sa loob ng shopping mall sa Munich,ang kabisera ng Bavarian noong Biyernes ng gabi. - Bella Gamotea