ALICIA, Isabela - Dahil sa kabiguang matagpuan ang naglayas na anak, labis na nalungkot ang isang ama hanggang sa mauwi sa pagpapakamatay nito sa Barangay San Antonio sa bayang ito.

Sa report kahapon mula sa Police Regional Office (PRO)-2 sa Tuguegarao City, Cagayan, natagpuan nitong Sabado na nakabigti at wala nang buhay sa harap ng pintuan ng kanyang bahay si Juanito Ambrona, 50, magsasaka, sa Purok Riverside, Bgy. San Antonio.

Nauna rito, nabatid na pinauuwi ni Ambrona ang kanyang asawa dahil mag-isa lang siya sa bahay at nagbantang magpapakamatay, pero kinabukasan na nakauwi ang ginang. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog