SAN ANTONIO, Nueva Ecija – Isang barangay kagawad ang nasawi at isa pa ang malubhang nasugatan sa pamamaril sa Barangay Papaya sa bayang ito, nitong Huwebes.

Sa report ng San Antonio Police kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang nasawi na si Leopoldo Ferrer, may asawa, kagawad ng Bgy. Papaya, habang malubha namang nasugatan si Rodolfo Mudlong, nasa hustong edad, kapwa ng Purok 3 ng Papaya.

Ayon sa imbestigasyon, nag-iinuman ang dalawa sa harap ng bahay ng isang Tony Yola, kasama ang mga kaibigang sina Pablo Ernesto Padilla at Manuel Tinio, nang isang itim na kotse ang huminto sa tapat nila.

Bumaba umano mula sa kotse ang dalawang sakay nito at nagpaputok nang sunud-sunod hanggang sa tamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Ferrer na agad nitong ikinamatay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril. (Light A. Nolasco)