Ipinagbabawal muna ang bisita sa maximum security compound ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City bunsod nang pinaigting na seguridad doon ng pamahalaan.

Ayon kay NBP Chaplain Monsignor Roberto Olaguer, bukod sa bisita, naghigpit rin ang NBP sa pagpapasok ng mga pagkain at mga gamot sa maximum security compound kaya’t napipilitan ang mga kaanak ng mga bilanggo na ipaabot na lang ang mga gamot ng kanilang mga detenidong kapamilya.

Sinabi ni Olaguer na maging siya at kanilang volunteers ay hindi makapasok sa bilangguan.

Tinatangka rin aniyang tawagan ang landline sa loob ngunit hindi niya ito makontak.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Olaguer na nagsimula ang paghihigpit sa mga bisita sa national penitentiary nitong Huwebes, isang araw matapos na palitan ng mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Forces (SAF) ang mga security posts doon at magdaos ng panibagong Oplan Galugad operation.

Dinisarmahan din aniya ang mga guwardiya ng maximum security compound bilang bahagi ng operasyon habang ang iba pang mga guwardiya ay ipinadala naman sa Camp Vicente Lim sa Canlubang, Laguna upang isailalim sa muling pagsasanay.

“Kinuha ang mga radyo nila (prison guard), pati nga ako hindi makapasok,” aniya. “Hindi ko nga alam kung anong nangyayari.”

Nilinaw naman ni Olaguer na ang maximum security compound lamang ang apektado ang dalaw kaya’t isolated ang mga bilanggo doon at walang komunikasyon sa kanila. (Mary Ann Santiago at Bella Gamotea)