Isang 45-anyos na lalaki ang natagpuang patay sa kalsada sa Intramuros, Manila, kahapon ng umaga.

Hinihinalang inatake si Roderick Mensenares, nakilala sa pamamagitan ng barangay identification (ID) card, residente ng 520 Magallanes St., Intramuros, Manila.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Dennis Turla, imbestigador ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, dakong 6:00 ng umaga nang makita ng isang barangay kagawad ang biktima na wala nang buhay sa kanto ng Potenciana at Cabildo Street, sa Intramuros.

Huli umanong nakita ang biktima dakong 5:00 ng madaling araw habang nagkakape sa loob ng kanyang tinutulugang sidecar.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Dinala ang bangkay ni Mensenares sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

(Mary Ann Santiago)