Sa taya ng Dangerous Drug Board (DDB) aabot na sa 1.8 milyong Pilipino ang lulong sa ipinagbabawal na gamot o tinatawag na “adik” sa bansa.

Ito ang inilabas na datos ng DDB na nagpapatunay lamang na matinding problema ang kinakaharap ng Pilipinas.

Ayon sa DDB, ang bilang ng mga adik sa bansa ay patunay lamang na talagang tumitindi ang suliranin ng ating bansa.

Ayon kay DDB vice chairman Rommel Garcia, ang nasabing bilang ay hindi lamang mga adik kundi kabilang na rin ang experimental, occasional at regular user.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Nagpahayag si Garcia ng pag-asa na mababawasan ang bilang ng mga adik sa bansa ngayong may kampanya na ang pamahalaang gobyerno laban sa ilegal na droga. (Fer Taboy)