3 copy copy

LONDON (AP) — Natuldukan ang agam-agam sa kalusugan ni Usain Bolt para maidepensa ang sprint title sa Rio Olympics sa matikas na kampanya sa London Invitational. Pinatunayan din ni Keni Harrison na handa siyang sumagupa sa Brazil sa naitalang bagong record sa 100-meters hurdles nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Naitala ng 23-anyos na si Harrison ang 12.20 segundo para lagpasan ang 12.21 marka na naitala ni Yordanka Donkova noong August 1988.

“Not making the Olympic team I was really upset,” sambit ni Harrison, bigong makasama sa Olympic team sa isinagawang national qualifying. “And I wanted to come out here and do what I know what I could have done (in Rio).”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nagapi niya ang mga kababayang sina Brianna Rollins at Kristi Castlin, kapwa pasok sa Rio Games.