BUTUAN CITY – Dalawampu’t limang estudyante ang isinugod sa Butuan Medical Center (BMC) nitong Huwebes ng hapon matapos makakain ng expired na tsokolate.

Nilinaw naman nina Dr. Peachy Gallenero at Dr. Janelle de los Reyes ng BMC na ligtas at maayos na ang lagay ng mga estudyante

Sinabi nilang nakalabas na sa pagamutan, dakong 9:30 ng gabi ng araw na iyon, ang mga estudyante maliban sa dalawa na patuloy na inoobserbahan sa BMC, ayon sa dalawang doktor.

Isinugod sa ospital ang mga estudyante ng Grade 8 sa Butuan City School of Arts and Trades limang oras matapos nilang kainin ang expired na chocolate bars, na ipinamahagi ng isa nilang kaklase.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nabatid na dumanas ng pananakit ng tiyan at ulo, pagkahilo at nagsuka ang mga estudyante.

Batay sa imbestigasyon, taong 2014 pa expired ang chocolate bars na kinain ng mga bata. (MIKE U. CRISMUNDO)