US basketball team, ibinasura ng UNLV para sa laban ni Pacman.

Wala nang atrasan para sa pagbabalik ni Pacman.

Kinumpirma ni Bob Arum, promoter ni eight-division world champion Manny Pacquiao, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) na selyado na ang isyu para sa venue na gagawin sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas sa Nov. 5.

Sa opisyal na website ng University of Nevada Las Vegas, kinansela na nila ang nakatakdang exhibition game ng US men’s basketball kontra sa New Mexico Highlands para bigyan daan ang inaabangang pagbabalik aksiyon na itinuturing na ‘greatest fighter’ sa kanyang henerasyon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inilipat ang US basketball game sa Nobyembre 4.

Sa panayan ng LA Times, sinabi ni Arum na nakausap na niya si UNLV athletic director Tina Kunzer-Murphy para gamitin ang arena na sa loob ng UNLV campus. Sumangayon na rin umano si UNLV coach Marvin Menzies para sa makasaysayang laban ni Pacman.

Matapos ang laban kay Tim Bradley nitong Abril, sinabi ni Pacquiao na magreretiro na siya. Tila naging opisyal ang lahat nang magwagi si Pacman bilang Senador nitong Mayo 9.

Ngunit, matapos ang masinsinang pakikipag-usap kay Arum, nagpasya ang tinaguriang pound-for-pound king na magbalik sa laban. Ngunit, inilagay niya ang petsa sa panahong naka-recess ang Senado.

“Over the weekend we talked to her and he told us, ‘OK,’ and was able to do it,” pahayag ni Arum.

“It’s great for the university because it’s good publicity and good income from the boxing match.”

Nauna nang nailabas ni Arum ang plano ng laban ni Pacman sa Mandalay Bay Events Center sa Oktubre 15, ngunit maaapektuhan nito ang iskedyul ng Senador sa kanyang trabaho sa Senado.

Ang buwan ng Nobyembre ay recess sa mga Senador.

“They tried hard, but they had nothing available,” sambit ni Arum.

“They really tried, but couldn’t do it. There was nothing available. We couldn’t even get an arena for December.”

Wala pang napipiling kalaban si Arum para kay Pacman, ngunit matunog ang mga pamosong sina Terence Crawford at Viktor Postol na magtutuos sa unification bout sa Las Vegas sa susunod na linggo, gayundin si Jessie Vargas, kasalukuyang WBO welterweight champion.

“It’s still Vegas and we Vegas natives know it’s great fighting there (Thomas & Mack),” sambit ni Vargas.

“It would be a real treat to fight at home. I look forward to be in a position to fight Pacquiao. He’s had my WBO belt before so let’s get a fight,” aniya.