Hiniling ni Senator Francis Pangilinan ang pagsasabatas sa Coco Levy Trust Fund Bill na halos 40 taon nang hinihintay ng mga magniniyog.

“Wala na pong dahilan upang hindi pag-usapan ang coco levy. Kailangan na itong harapin upang mapakinabangan na ng ating mga magniniyog na nag-ambag mula sa kanilang kita simula pa noong panahon ng Martial Law,” giit ni Pangilinan.

Nakasaad sa panukalang Coconut Farmers and Industry Development Act of 2016 ang kumpletong paghihimay sa tinatayang P73 billion pondo at gawin itong perpetual trust fund para sa coconut industry. (Leonel Abasola)

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?