Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi makokorap ng bigtime drug lords ang pwersa ng PNP Special Action Force (SAF) sa loob ng National Bilibid Prisons (NBP).

“We are confident with our PNP personnel who we consider highly professional and disciplined and we will stick to that,” ayon kay Senior Inspector Jonalyn Malnat, tagapagsalita ng PNP sa idinaos na press conference sa Camp Crame.

Kapag mayroon umanong kumagat sa suhol, agad na iimbestigahan at sasampahan ng kasong administratibo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gayunpaman, malabo umanong mangyari ito dahil sumailalim na sa puspusang briefing ang nasabing batalyon at tiwala ang pamunuan ng PNP na magagampanan nila ng mahusay ang kanilang misyon.

Ang SAF sa NBP ay sakop pa rin umano ng PNP at hindi ng Bureau of Corrections (BuCor). (Francis T. Wakefield)