sismundo copy

Ipinahayag ni Mario Sismundo, lalaban sa World Series of Fighting Global (WSFG) Championship 3: Philippines vs World card, na higit pa sa pagiging Manny Pacquiao look-alike ang inaasahan na maipamamalas niya sa Hulyo 30 sa Araneta Coliseum.

Nagpaplano si Sismundo, minsan nang nagdouble kay Pacquiao sa isang patalastas at nagmula rin sa General Santos City, na gumawa ng sarili niyang pangalan bilang kilalang boksingero.

“Sobrang na inspire ako na kamukha ko si Manny Pacquiao kasi ‘yung kamukha ko o kahawig ko ay ‘di ordinaryong tao, kundi, sikat sa buong mundo dahil sa kanyang galing sa boxing, at isa pa siyang Senador ngayon. Baka sa pagtiyatiyaga at sipag sa mga laban ko, isang araw, masundan ko rin ang yapak ng idolo ko,” pahayag ni Sismundo.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

“Malaking bagay na nakasali ako sa ganitong kalaking organization, na galing pating Amerika. Tulad sa akin, na galing sa General Santos City na matagal nang naghintay ng pagkakataon makalaban sa malaking audience, malaking bagay po talaga. Matagal ko po itong pinangarap at dinasal,” aniya.

Ito ang unang malaking laban niya sa MMA at suportado siya ng kanyang pamilya. (Helen Wong)