Mga laro ngayon

(Ynares Sports Arena)

4 n.h. -- Topstar vs AMA

6 n.g. – Café France vs Phoenix

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Saplukan na tila pangkampeonato ang inaasahang masasaksihan sa paghaharap ng Café France at Phoenix sa pagpapatuloy ng 2016 PBA D-League Foundation Cup ngayon, sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naghahangad na maipagtanggol ang kanilang titulo, hangad ng Bakers na makabawi sa pagkatalong nalasap sa Accelerators sa nakaraang Aspirants Cup finals.

“Alam naman natin na pag Phoenix ang kalaban, it’s all about kung sino ang mapupunta sa taas. Nandoon ‘yung competitive spirit for both teams palagi kasi kaming naglalaban sa championship,” pahayag ni Bakers coach Egay Macaraya.

“It will be a good game and I know both teams want to win that game badly.”

Nakatakda ang giyera ng dalawa sa ganap na 6:00 ng gabi

Ayon kay Accelerators coach Eric Gonzales, unti-unti nang nakabalik sa dati nilang laro ang kanyang mga players ngunit kailangan nilang magdoble ng effort kontra Bakers.

“We have to do the right thing. It’s not going to be easy facing that team,” aniya.

Mauuna rito, magtutuos ang winless Topstar ZC Mindanao at AMA Online Education sa ganap na 4:00 ng hapon.

(Marivic Awitan)