Sumakabilang-buhay ang isang lalaki matapos mahirapang huminga sa Binondo, Manila nitong Martes ng umaga.

Inilarawan ni Police Officer 3 Joseph Kabigting, case investigator, ang lalaki na nasa edad 45 hanggang 50, katamtaman ang pangangatawan, at may taas na 5’4 hanggang 5’7.

Nakasuot ang lalaki ng asul na t-shirt, brown na short pants at walang sapin sa paa.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente sa pagitan ng Muelle del Banco at Soda St., sa Binondo, Maynila, dakong 9:40 ng umaga.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Ayon sa mga saksi, nakikitang palabuy-laboy ang biktima.

Bago mangyari ang insidente, nakita umano ng tinderang si Jennifer Torigoza, 29, na tila nahihirapang huminga.

Makalipas ang ilang minuto, bigla na lamang umano tumumba ang biktima, at agad itong isinugod ng pedicab driver na si Richard Olguera sa Jose Abad Santos Hospital.

Ngunit, idineklara itong dead on arrival ni Dr. Gerald Pingol, attending physician.

Ayon kay PO3 Kabigting, kasalukuyan pa ring nasa morgue ang bangkay upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

(Analou De Vera)