CABANATUAN CITY - Hindi pa tukoy ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay sa isang 35-anyos na binata na pinagbabaril ng hindi nakilalang salarin sa Cabanatuan City Central Transport Terminal (CCTT) sa lungsod na ito, nitong Lunes ng gabi.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ted Elsinore Go, dakong 10:00 ng gabi nitong Martes at nakikipag-inuman si Randy Santos y Javier, residente ng Barangay Dos, DS Garcia, sa loob ng terminal nang bigla siyang pagbabarilin ng suspek. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog