PADRE GARCIA, Batangas - Nakabulagta sa loob ng sariling bahay ang isang 43-anyos na lalaki matapos umanong pagbabarilin sa Padre Garcia, Batangas.

Sa report ni PO3 Joel Garcia, dakong 6:00 ng umaga nitong Martes nang matagpuan si Marciano Mendoza na duguang nakahandusay sa kusina ng kanyang bahay sa Barangay Maugat East.

Batay sa record ng pulisya, isa umano si Mendoza sa mga drug personality sa Padre Garcia. (Lyka Manalo)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog