SA nalalapit na pagtatapos ng pinagbibidahang Kapuso Primetime series na Once Again, masasabi ng ultimate hunk na si Aljur Abrenica na maraming blessings ang naibigay ng programang ito sa kanya — mula sa kanyang mga katrabaho hanggang sa mga materyal na bagay na kanyang hiniling.
“Bukod sa co-stars ko na talaga namang naging inspirasyon ko, most memorable experience ko rin ay nu’ng nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagmuni-muni sa Taal — that time I started asking for guidance and success ng show, humiling ako, nag-wish. True enough, natupad ang hiniling ko dahil marami ang tumangkilik at sumuporta sa amin,” kuwento ng aktor.