BATANGAS CITY - Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pagpatay sa isang pulis na binaril ng isang nakasakay sa motorsiklo, sa Batangas City.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), napatay si SPO3 Limuel Panaligan, 45, nakatalaga sa Batangas City Police.

Dakong 11:40 ng umaga nitong Linggo, sakay sa kotse ang pulis nang pagbabarilin ito ng suspek na sakay sa itim na motorsiklo sa Barangay Kumintang Ilaya.

Naisugod pa sa Batangas Medical Center ang biktima, subalit dead on arrival.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay Supt. Barnard Dasugo, hepe ng pulisya, halos isang taon na ang nakalipas nang nagkaroon ng administrative case si Panaligan matapos umanong mahuli ang isang dalaw sa piitan na may dalang sachet ng shabu, at nagsabing galing iyon kay Panaligan.

Nagpositibo rin umano si Panaligan sa drug test sa nasabing panahon, ayon kay Dasugo. (Lyka Manalo)