PORTLAND, Oregon (AP) — Ginapi ni Borna Coric si Jack Sock, 6-4, 3-6, 6-3, 6-4, para ibigay sa Croatia ang 3-2 panalo kontra United States sa Davis Cup quarterfinals nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Naitala ni Marin Cilic ang dominanteng panalo kay John Isner, 7-6 (11-9), 6-3, 6-4, sa unang reverse singles match sa Tualatin Hills hard courts.

Matapos walisin ng United States ang unang dalawang singles nitong Biyernes, bumawi sina Cilic at Ivan Dodig sa doubles event kontra sa kambal na sina Bob at Mike Bryan.

Tatayong host ang Croatia laban sa France sa World Group semi-finals sa Setyembre 16-18. Ito ang unang pagkakataon na umusad sa semi-finals ang Croatia mula noong 2009. Napagwagian nila ang tanging Davis Cup title noong 2005.

Rebisco, DepEd nagkasundo sa pagbuo ng volleyball program katuwang ang Creamline

Natamo naman ng US ang ikaapat na kabiguan sa 161 pagkakataon na tangan nila ang 2-0 bentahe sa Davis Cup tie.