May 22, 2026

Home BALITA

Sleepless night na, ina-anxiety pa!: Leviste, walang obligasyong bayaran, pero bukal sa loob ipagamot si Castro

Sleepless night na, ina-anxiety pa!: Leviste, walang obligasyong bayaran, pero bukal sa loob ipagamot si Castro
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Bumanat pabalik si Batangas 1st district Rep. Leandro Leviste hinggil sa milyong-milyong halagang hinihinging danyos sa kaniya ni Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro.

Sa pamamagitan ng kaniyang opisyal na Facebook page, idiniaan ni Leviste sa FB post ang tugon niya sa ₱500 milyong hinihingi sa kaniya ni Usec. Castro.

“Humihingi si Usec Claire Castro na bayaran ko siya dahil sa ‘sleepless nights and anxiety’ na dulot umano ng kasong isinampa ko laban sa kaniya,” hirit ni Leviste.

Iginiit din niyang nakahanda naman daw siyang sagutin ang gastusin ni Castro kung kailangan umano nitong magpagamot sa ospital.

“Wala akong obligasyong bayaran siya. Pero kung kailangan niyang magpagamot ngayon, bukal sa loob kong sagutin ang kaniyang gastusin sa ospital,” anang mababatas.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Noong Enero 2026 nang tuluyang magsampa ng reklamong libel si Leviste laban kay Castro, kaugnay ng mga alegasyong iniuugnay daw ng undersecretary sa pangalan niya.

Doon minsan nang iginiit ni Leviste na hindi raw niya nais masaktan si Castro sa pagsasampa niya ng nasabing reklamo.

“Hindi ko naman pong nais na masaktan si Usec. Claire Casto ngunit kailangan ko lang pong depensahan ang aking pangalan. Dahil naka ilang vlog na po siya tungkol sa akin,” ani Leviste.

KAUGNAY NA BALITA: Tinapatan! Usec. Castro, humingi ng ₱500M danyos kay Rep. Leviste

Matatandaang nitong Linggo rin nang ihayag ni Castro ang ₱500 milyong hinihingi niya kay Leviste kasabay ng pagsusumite raw niya ng counter claims laban sa reklamong isinampa sa kaniya ng mambabatas.

“I already filed my reply and as part of my counter claim, I am asking for a  ₱500 million pesos na danyos, kaka-file ko lang ng answer,” ani Castro.

Aniya pa, siya na rin ang magsisilbing abogado para sa sarili niya sa pagharap sa kasong isinampa sa kaniya ni Leviste.

KAUGNAY NA BALITA: Tinapatan! Usec. Castro, humingi ng ₱500M danyos kay Rep. Leviste