Nasawi ang isang binata matapos pagsasaksakin ng kanyang amain na naalimpungatan sa pagkakatulog sa Malabon City, nitong Sabado ng gabi.

Dead on the spot si Michael Bansoy, 21, ng block 9, lot 22, phase 2, Flovie Homes, Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nadakip naman ang suspek na si Efren Rama, 38, kinakasama ng nanay ng biktima, matapos ang follow-up operation ng Police Community Precinct (PCP)-8.

Ayon sa report, dakong 10:30 ng gabi, himbing sa pagkakatulog si Rama nang dumating si Bansoy at nag-ingay.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Nagising ang suspek matapos maalimpungatan sa ingay ng anak-anakan at galit na pinatay ang circuit breaker ng kuryente na naging dahilan ng pagdilim ng kanilang bahay.

Nagalit si Bansoy at kinompronta ang amain hanggang sa mauwi sa mainitang diskusyon.

Sumunod na pangyayari, kumuha ng bote ng soft drinks ang biktima at ibinato sa suspek ngunit nakailag ito.

Sa galit ni Rama, kumuha ito ng patalim at pinagsasaksak si Bansoy.

Nabatid na hindi magkasundo ang biktima at ang suspek dahil tutol ang una na mapangasawa ito ng kanyang nanay.

Nahaharap sa kasong homicide si Rama. (Orly L. Barcala)