Kapag hindi nasugpo ang ilegal na droga ngayon, magiging narco-state ang Pilipinas, babala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Four or seven years, if nobody interdicts the drug business in the Philippines—we will be a narco-politic,” sinabi ni Duterte sa harap ng kanyang fellow alumni sa San Beda College of Law, nitong Huwebes ng gabi.

Dahil dito, sinabi ni Duterte na itinataya niya ang kanyang buhay at pagkapresidente, masawata lang ang ilegal na droga.

Binanggit din ng Pangulo na mismong sa national penitentiary niluluto ang shabu.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We are the only country — I think in the world, except South America — na doon ‘yung shabu niluluto mismo sa national penitentiary,” ayon sa Pangulo.

Kasabay ng kampanya ni Duterte laban sa droga ang pagbubunyag sa pangalan ng malalaking personalidad na protektor umano ng droga, kabilang dito ang mga police general, mga negosyante at mga alkalde.

“Kaya ako galit, kasi ang shabu, constant use of shabu, even by months, would destroy the human brain,” ani Duterte na nagsabing sagot niya ang mga pulis at militar na kumikilos laban sa ilegal na droga. (Elena Aben)