Nagpahayag ng pakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa France, kasabay ng pagkondena sa terrorist attack sa Nice, habang idinaraos ang Bastille Day noong Huwebes.

Sa pangyayari, 84 katao ang agad na nasawi, halos 200 ang nasugatan kung saan lampas sa 50 katao ang kritikal.

“I would like to take this opportunity to make a public statement to say that we share the grief of France in the rampage of multiple murders of their citizens,” ayon kay Duterte sa video na ipinalabas ng RTVM kahapon.

Sa report, isang 31-anyos na Tunisian-born Frenchman ang may hawak sa trak na sumagasa sa grupo ng mga taong nanonood ng fireworks. Matapos managasa ay tinangka pa umano nitong mamaril ngunit mabilis ding napatay ng mga awtoridad.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“We join the rest of the world in mourning and express our solidarity with France against terrorists, against what is fundamentally evil. Rest assured we join you in the fight against terrorism,” ani Duterte.