coco at cesar copy

MARAMI ang nag-abang sa unang pagtatagpo nina Coco Martin at Cesar Montano kagabi sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa itatakbo ng kuwento, trainer ni Coco si Cesar noong pumasok siya sa pulisya pero umalis ng serbisyo dahil may nangyari sa pamilya. Fast forward sa kasalukuyan, hired killer ang role ni Cesar at kailangan siyang pasukuin ni Coco.

Malalaman kung ano ang mangyayari sa loob ng tatlong linggong episode na guesting ni Cesar.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kaya sa thanksgiving presscon ng Ang Probinsyano last Wednesday, tinanong si Coco kung ano ang masasabi niya kay Cesar.

“Napakagaling, di lang sa action kundi pati sa drama, sa lahat. Napaka-relax niyang artista, sabi ko nga, seasoned actor ‘yan, napakarami kong matututunan saka sobrang bait niya. ‘Yung respeto talaga, nu’ng nakita ko siya, ‘di ko napigilan niyakap ko siya.

“Siyempre si Kuya Buboy, Cesar Montano ‘yan, ‘di ko puwedeng biguin ang mga tagahanga niya. Kumbaga, gagawin namin ang pinaka-best, ‘yung pinakamagandang fight scene o ano man.

“Siyempre ini-expect ng mga tao ‘yun. Sabi ko nga, ang galing niya talaga, ‘di ko maipaliwanag. ‘Pag tinitingnan ko nga siya, sana balang araw, sana kahit kalahati lang ng naabot niya, maabot ko,” kuwento ni Coco.

Sinabihan ni Coco si Cesar na sana ay magkasama ulit sila at hindi lang sa Ang Probinsyano.

Gustung-gusto ni Coco ang pelikulang Utol na pinagsamahan noon nina Cesar at Victor Neri.

“Kami ni Kuya Buboy, ‘pag nag-a-advice siya sa akin, ‘Sana, Kuya Buboy, sana balang araw ‘di lang ito ang mapagsamahan natin, sana makagawa rin tayo ng pelikula. Gustung-gusto ko ‘yung pelikula ninyo dati ni Victor Neri, ‘yung Utol.’ Sabi niya, ‘Eh, di gawin natin, marami ang ganu’ng kuwento na ano… i-remake natin,” sabi ni Coco.

Samantala, sinulat namin kamakailan na sina Coco at Vice Ganda ang magkasama sa pelikulang entry ng Star Cinema sa 2016 Metro Manila Film Festival, at tinanong namin ang aktor kung sequel ba ito ng Beauty and The Bestie.

“Pinagmimitingan pa ng Star Cinema, ang problema nu’ng last time ‘di ako nakaupo du’n sa meeting. Mamaya after nito (presscon), uupuan ako ng creatives. After ng success ng Beauty and the Bestie, sabi ko nga, sino pa ba magtutulungan kundi kaming dalawa.”

Sa nakuha naming update sa naturang meeting ni Coco with creative department ng Star Cinema, wala pang nabuong concept dahil ‘yung suggestion ay disapproved. (Reggee Bonoan)