COTABATO CITY – Dalawang guro sa pampublikong paaralan ang napatay habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga lalaking sakay sa motorsiklo ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima sa Cotabato City.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Fahara Kabuntalan, 29; at Sittie Usop Abdullah, 31, kapwa guro sa Mokamad Ali Elementary School sa Barangay Tamontaka sa lungsod na ito.

Sugatan naman sa insidente sina Aisah Karon Malugka, 34; at Fahad Abdulwahid Abdullah, 21, driver ng tricycle.

Ayon sa report, pauwi na ang mga biktima galing sa paaralan sakay sa tricycle ni Abdullah nang pagbabarilin ang sasakyan sa Purok Talainged sa Bgy. Tamontaka, dakong 4:30 ng hapon nitong Martes.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Bagamat walang ideya ang pulisya sa motibo ng pag-atake, naniniwala ang mga source na si Abdullah ang target ng mga suspek. (Ali G. Macabalang)