SYDNEY (AP) — Inalis ng Australian Olympic Committee sa delegasyon si wrestling champion Vinod Kumar bunsod ng isyu sa doping.

Ipinahayag ng AOC nitong Biyernes (Sabado sa Manila) na nagpositibo si Kumar sa kanyang paglahok sa African/Oceania Olympic qualifier sa Algeria noong Abril.

Hindi naman ibinulgar kung anong klase ng droga ang nakita sa samples ni Kumar.

Anila, suspindido si Kumar ng apat na taon at may 30 araw siyang palugit para maiaplea ang kaso sa Court of Arbitration for Sport.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bunsod nito, sinabi ng international federation United World Wrestling na ibibigay nila sa ibang atleta ang slot sa Rio Games para sa 66-kilogram Greco-Roman weight division ni Kumar.